Ika-sampung baitangpangkat Gold nagwagi sa

Ipinagdiwang ng paaralan ang Buwan ng Wikang Pambansa na may Temang ‘’Wikang Katutubo tungo sa Isang  Bansang Filipino”.Bilang bahagi ng pagdiriwang ay ang ibat-ibang gawain na inihanda ng Kagawaran ng Filipino sa pangunguna ni Gng. Maricel V. Calimlim, OIC Dept Head, Bb.Clarice M.Pascua, Tagapayo ng Filipino Club. Mga guro at mga mag–aaral at sa tulong at suporta na rin ng ating butihing PSDS/OIC-Punongguro Dr.Efren E. Canzana at katuwang na Punongguro Dr.Cynthia D. Abella ay naging possible ang mga gawain para sa Buwan ng Wika.

            Ang Kagawaran ng Filipino ay  naghanda ng ibat ibang gawain gaya ng Masining na pagkukuwento,Pagsulat ng Sanaysay,Pagsulat ng Islogan at Pagguhit ng Poster, Haranahan,Talumpati ,Katutubong Sayaw at Sabayang pagbigkas.Nakipagtagisan ng  husay at galing ang mga mag-aaral mula sa Ika-pitong baitang hanggang Ika-sampung baitang kasama din ang mga Senior High Schools. Nagimbita ang mga guro sa Filipino ng mga hurado mula sa ibang paaaralan upang magsilbing hurado sa nasabing mga patimpalak.

Sa Pagtatapos ng Buwan ng Wika ay nagkaroon ng Pampinid na Gawain na gina3nap noong Ika-30 ng Agosto , pinakatampok dito ang pagbibigay ng parangal sa mga batang mag-aaral na nagsipagwagi sa ibat-ibang gawaing inihanda. Kasama na rito ang mensahe ng pagbati mula sa ating minamahal na Punongguro Dr.Efren E. Canzana.At ang pagbibigay ng sertipiko at medalya sa mga batang nagsipagwagi.Masasabi kong naging matagumpay ang pagdaraos sa ating paaralan ang Pagbibigay halaga at pagkilala sa ating Pambansang Wika,Ang Wikang Filipino.

Narito ang mga nagsipag wagi sa patimpalak ng  Buwan ng Wika: Haranahan-  ikatlong gantimpala baitang 9 pangkat Sirius, ikalawang gantimpala ika sampung baitang  pangkat Gold, at ang nagwagi ng unang gantimpala ay ang ika sampung baitang pangkat Iron, Masining na Pagkukuwento- ikatlong gantimpala Archie M. Layva, ikawalang gantimpala Joemar Dorado, at ang nakakuha ng unang gantimpala Geoff Benedict V. Barbosa, Spoken Poetry- ikatlong gantimpala Pearl S. Benosa, ikalawang gantimpala Hazel G. Raymundo, at ang nakakuha ng unang gantimpala Healerwing Custodio, Deklamasyon- ikatlong gantimpala Jamaica Catorce, ikalawang gantimpala Alyysa B. Labrador, at ang nakakuha ng unang gantimpala Healerwing Custodio, Talumpati- ikatlong gantimpala Neal Paul S. Ressureccion, ikalawang gantimpala Nathaniel Lean Gaco, at ang nakakuha ng unang gantimpala Zshaira Ezra A. Castro, Pagsulat ng Sanaysay sa ika walong baitang- ikatlong gantimpala Yasmine D. Librea, ikalawang gantimpala Charyl Julia I. Lopez, at ang nakakuha ng unang gantimpala Klein Gabriel R. Caparro, Pagsulat ng sanaysay sa ikaw siyam na baitang- ikatlong gantimpala Kiara Quince M. Juanilio, ikalawalang gantimpala Suzaine L. Ebon, at ang nakakuha ng unang gantimpala Lee Andrei S. Dalmacio Pagsulat ng Sanaysay sa ika sampung baitang- ikatlong gantimpala Jorielle Khate Pagmanoja, ikalawang gantimpala Anghel Fermie Madla, at ang nakakuha ng unang gantipala Jessabel D. Bartolay, Pagguhit ng Poster sa ika walong baitang- ikatlong gantimpala Abi Macabuhay, ikalawang gantimpala William Guerero, at ang nakakuha ng unang gantimpala Triz Marlwin Miranda, Pagguhit n, ikag Poster sa ika sampung baitang- ikalawang gantimpala Myla Macabuhay, at ang nakakuha ng unang gantimpala Glen M. Layva, Katutubong sayaw- ikatlong gantimpala ika-sampung baitang pangkat Gallium, ikalawang gantimpala ika-sampung baitang pangkat Nickel, at ang nakakuha ng unang gantimpala ika-sampung baitang pangkat Gold, Sabayang Pagbigkas- ika-tatlong gantimpala ika-pitong baitang pangkat Orchids, ikalawang gantimpala ika-siyam na baitang pangkat Spica, unang gantimpala ika-siyam na baitang pangkat Sirius, at ang nagkamit ng kampeonato ay galing sa ika-sampung baitang pangkat Gold.