Menu
Philippine Standard Time:

Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may Temang: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”
PCCCANHS – Kagawaran ng Filipino
Agosto 4-29, 2025 
   Alinsunod sa itinakdqang Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 ang Buwan ng Wikang Pambansa 20245 ay ipinagdiriwang sa buong buwang ng Agosto. Ito ay pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Ang Buwan ng Wika ay isa sa pinakamahalagang taunang pagdiriwang sa mga paaralan sa buong bansa. Ito’y hindi lamang pagbibigay-pugay sa ating pambansang wika, kundi isa ring paraan upang higit na mapagtibay ang ating pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.
Bilang pakikiisa ng President Corazon “Cory” C. Aquino National High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” ay nagsagawa ang paaralan ng mga mungkahing kapaki pakinabang na mga gawain o aktibidad sa loob ng silid-aralan. Layunin ng temang ito na bigyang-diin ang kahalagahan ng Filipino at iba’t ibang katutubong wika sa bansa bilang salamin ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakaisa.
Sa unang linggo ng buwan, Agosto 4, 2024, nagsagawa ang kagawaran ng Filipino ng pambungad na palatuntunan. Ang palatuntunan na ito ay nag-umpisa eksaktong 11:00 ng umaga sa bulwagan ng President Corazon “Cory” C. Aquino National High School. Ang mga guro ng palatuntunan ay sina Bb. Joemel Jane Bucog at Bb. Aiko S. Garay, mga guro sa Filipino.
Inumpisahan sa Pambansang Awit, sinundan ito ng isang panalangin, Bagong Pilipinas at ang Himno ng Pasay gamit ang AVP.  Nagbigay ng makabuluhang mensahe sina G. Terence V. Reyes (Kawaksing Punongguro II), G. Michael C. Artoza (Punongguro I). Sa kanilang mga pahayag, binigyang-diin nila ang tungkulin ng mga kabataan na ipagmalaki, pangalagaan, at ipagpatuloy ang pagpapayabong sa ating pambansang wika at katutubong wika. Kasunod nito ay naghadog ng pampasiglang bilang ang piling mag-aaral mula sa Senior High School. Alinsunod nito, inisa-isa ni Gng. Jasmin Pasobillo, gurong tagapayo sa Filipino, ang mga patimpalak na gagawin sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025. Ang mga patimpalak na ito ay ang mga sumusunod:

  • Agosto 7Poster at Slogan Contest (Baitang 7) at Bidyokasiya (Baitang 10) (Conference Room)
  • Agosto 8Sulat-Tanghal ng Tula (Baitang 8) (Conference Room)
  • Agosto 11Sulat-Bigkas ng Talumpati (Baitang 9) (Conference Room)
  • Agosto 12Pagsulat ng Sanaysay (Baitang 11–12) (Conference Room)
  • Agosto 13Pag-awit (lahat ng baitang) (Conference Room)
  • Setyembre 02Pampinid na Palatuntunan at Paggawad ng mga Parangal (Gymnasium)

Bawat patimpalak ay hindi lamang naging pagkakataon upang ipamalas ang talento ng mga mag-aaral, kundi naging plataporma rin upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa sariling wika at kultura.

Natapos ang pambungad na palatuntunan sa pangwakas na mensahe ni G. John Paul G. Madeja, gurong Tagapag-uganay sa Kagawaran ng Filipino.

Para sa pagtatapos ng palatuntunan para sa Buwan ng Wikang Pambansa, nagkaroon ng pampinid na palatuntunan noong ika-2 ng Setyembre 2025. Ang mga guro ng palatuntunan ay sina Bb. Princess Iris Tabor at G. Jhed G. Agreda opisyales ng Filipino Club.

Nagsimula ang gawain sa maayos na pagpasok ng mga mag-aaral na sinundan ng ilang gawaing preliminario gaya ng Panunumpa, Panalangin, at pag-awit ng Lupang Hinirang, Bagong Pilipinas, at Himno ng Pasay. Matapos nito, nagbigay ng pambungad na mensahe si G. Terence V. Reyes, Kawaksing Punongguro II, na sinundan ng inspirasyonal na mensahe mula kay G. Michael C. Artoza, Punongguro I.

Ipinamalas ng piling mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ang kanilang husay sa pagtatanghal sa pamamagitan ng iba’t ibang pampasiglang bilang. Kasunod nito, ipinahayag ang resulta at inanunsyo ang mga nagwagi sa patimpalak na higit pang nagpasigla at nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok sa pangunguna ni Gng. Jasmin I. Pasobillo. Bilang huling bahagi ng programa, ipinahayag ni G. John Paul G. Madeja, Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino, ang kanyang pangwakas na mensahe. Sa kanyang pananalita, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagpapahalaga sa sariling wika at kultura. Ipinabatid niya na ang Wikang Filipino ay hindi lamang simpleng daluyan ng komunikasyon kundi ito rin ay sumasalamin sa ating kasaysayan, pagkakakilanlan, at pambansang pagkakaisa.

Pinuri rin niya ang naging aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng palatuntunan. Aniya, ang ipinakitang talento at kasipagan ng mga kalahok ay patunay na ang bagong henerasyon ay may kakayahang itaguyod at pagyamanin ang ating sariling wika. Dagdag pa rito, nagpasalamat siya sa mga guro, magulang, at administrador ng paaralan sa kanilang walang sawang suporta upang maisakatuparan ang makabuluhang selebrasyon.

Bilang pagtatapos ng kanyang mensahe, iniwan niya ang paalala na gamitin at ipagmalaki ang Wikang Filipino sa lahat ng pagkakataon, sapagkat ito ang nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan at simbolo ng ating pagiging tunay na Pilipino. Ang kanyang makabuluhang pananalita ang nagsilbing inspirasyon at hudyat ng matagumpay na pagtatapos ng buong programa.

Sa loob ng isang buwan, nagsilbing gabay ang ating mga aktibidad upang linangin ang pagmamahal sa sariling wika at kulturang Pilipino. Naging makulay at makabuluhan ang ating selebrasyon sa pamamagitan ng ibat’ibat paligsahan. Sa bawat bawat patimpalak ay nasilayan natin ang angking husay, talento, at kasiningan ng ating mga mag-aaral. Higit pa rito, napatunayan natin na buhay na buhay ang ating wikang Filipino sa puso ng bawat isa. –JASMIN I. PASOBILLO, Gurong Tagapayo ng Filipino Club